Miyerkules, Disyembre 21, 2016

LIGO BA KAMO?


Tinago Falls ng Iligan City

LIGO BA KAMO?

Ang Talon ng Tinago ay isang talon na matatagpuan sa Lungsod ng Iligan City Lanao Del Norte sa katimugang bahagi ng Pilipinas sa isla ng Mindanao. Ito ang pangunahing atraksiyon para sa mga turista ng Iligan ang lungsod ay kilala rin bilang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”.

Bakit dinadayo ito ng mga Turista?

Ang talon ay mataas, at ang napakalamig nitong tubig na lumalagaslas ng napakaganda sa malalim at payapang hugis palangganang lawa na lumulitaw na parang kulay asul na lagoon. Sa ilalim ng talon mayroong maliit na kweba na maaring pasukin ng tao para pakingggan ang lagaslas ng tubig.

Paano ito mararating?
 Ito ay matatagpuan sa Linamon sa Lungsod ng Iligan City, Lanao Del Norte ngunit bago ka makakarating sa Talon ng Tinago ay dadaan ka muna sa 200 baytang ng malikaw na daan.

Ito ay patok na patok na lugar kung kayo ay nagpaplano lalo na kung kasama mo ang iyong mga barkada o pamilya na mag outing. Ano pang hinintay niyo? UWI, PUNTA, AT MALIGO TAYO!